Mag-scan para Mai-download ang App

Humanda nang MAG-HOLD
Masterin ang Pangmatagalang Laro

Sumali sa paparating na Bitcoin Builder Program — ang unang programang pangkolehiyo ng Pilipinas na nagre-reward sa 4 na taon ng pasensya, hindi short-term trading. Simulan ang iyong journey gamit ang ₱100.

Pinapatakbo ng Coins.ph. Regulado ng BSP

BTC vs. PHP: Ang Kwento ng Dalawang Asset

Alamin kung bakit pinipili ng mga disiplinadong holder ang Bitcoin bilang store of value kaysa sa tradisyonal na cash savings.

Bitcoin (BTC)

"Dynamic pero historically appreciating"

+222%

4-year historical return (Dis 2020 hanggang Dis 2024) sa kabila ng maraming downturns. Ginagantimpalaan ng Bitcoin ang mga matiyagang holders na may disiplina at pangmatagalang pag-iisip sa pagharap sa volatility.

Philippine Peso (PHP)

"Matatag pero unti-unting nababawasan ang halaga"

-13%

Ang tradisyonal na cash savings ay nawawalan ng purchasing power taon-taon. Sa average inflation na 3.2% noong 2024 at mas mataas pa sa mga nakaraang taon, talagang nababawasan ang halaga ng pera mo sa paglipas ng panahon.

Kaya tinuturuan ka naming MAG-HOLD

Sumali sa libo-libong estudyanteng bumubuo ng financial discipline sa pamamagitan ng pasensya at pangmatagalang pag-iisip.

Kilalanin Ang Mga Kapwa Builder

Jasmine, a nursing student participating in the Bitcoin Builder program

Pagkatuto sa Konsistensya

Sumali ako sa Builder Program dahil sa kuryosidad, pero binago nito ang pananaw ko sa pera. Ang dating parang gawain lang ay ngayon may malinaw na dahilan. Nakakagana ang matched rewards, at natutunan kong mas mahalaga ang disiplina kaysa kung magkano ang panimula mo.

Jasmine K.

Estudyante sa Ika-3 Taon ng Nursing

Smiling college student holding a tablet

Inaangkop Ang Aking Hinaharap

Bilang freshman, parang ang haba ng apat na taon, katulad ng pagkuha ko ng degree. Akma talaga ang programang ito sa paglalakbay ko sa kolehiyo.

Para sa akin, isa itong graduation gift para sa future self ko. Habang nakatuon ako sa pag-aaral, unti-unting lumalago ang Builder Wallet ko dahil sa pasensya at disiplina. Pagdating ng graduation, hindi swerte ang sasalubong sa akin, kundi ang resulta ng apat na taon ng konsistensya.

Bea L.

Estudyante sa Unang Taon ng Computer Science

Freshman student holding books

Konsistensya Bago Laki

Nang sumali ako ng Builder Program, akala ko walang halaga ang ₱100. Parang masyadong maliit para magkaroon ng epekto. Pero habang tumatagal, na-realize ko na hindi pala tungkol sa halaga, tungkol ito sa pagpapakita ng commitment.

Tinuruan ako ng programa na ang pagiging consistent, kahit sa maliit na bagay, ay nagtatayo ng tunay na disiplina. Hindi ito tungkol sa paggawa ng mas marami, kundi tungkol sa pagtupad sa sinimulan mo.

Marco R.

Estudyante sa Ika-2 Taon ng Business Ad

Ang Iyong 4-Step Builder Journey

Maging Bitcoin Builder

Hakbang 1

Mag-enroll

Para sa Mga Kasalukuyang User

Mag-sign up at kumuha ng nakalaang Builder wallet

Gawin ang iyong unang ₱100 BTC deposit

Para sa mga Bagong User

Gumawa at ipaberipika ang iyong Coins account

Sundin ang karaniwang proseso para mag-sign up sa programa at gawin ang iyong unang ₱100 BTC deposit

Hakbang 2

Magpa-match

Agad-agad naming mina-match ang iyong ₱100 BTC deposit ng ₱100 BTC rewards, direktang idinaragdag sa iyong Builder Wallet.

Naka-lock nang 4 na taon ang iyong matched rewards para mahikayat ang pangmatagalang pagho-hold

Gawin ang iyong unang ₱100 BTC deposit

Hakbang 3

Manatiling Disiplinado

Magpatuloy mag-HOLD. Magdeposito ng BTC taon-taon upang makatanggap ng match — na may cap na ₱100 sa BTC bawat taon.

Mag-set up ng mga awtomatikong deposito o manwal na kontribusyon

Tumanggap ng educational content tungkol sa Bitcoin at pagpapalago ng yaman

Sumali sa komunidad ng mga disiplinadong student builders

Hakbang 4

Magtapos at I-unlock

Pagkatapos ng 4 na taon, ganap nang maa-unlock ang iyong matched rewards. Congratulations, Builder!

Ipagdiwang ang iyong disiplina sa buong access sa iyong mga reward

Ipagpatuloy ang iyong Bitcoin journey gamit ang mga advanced Builder tools

Simulan ang paghubog ng iyong pinansiyal na hinaharap sa matatag na pundasyon.

A college student smiling outdoors, starting their program journey.
Two students looking at a phone screen together, learning about the app.
Student focused on studying with a laptop, practicing discipline.
Group of graduates celebrating in caps and gowns, achieving their goal.

Higit pa sa Rewards, Mindset 'To

Pag-master sa "Buy and Hold"

Itinuturo namin ang subok na estratehiyang ginagamit ng mga pinakamatagumpay na pangmatagalang investors sa mundo. Walang charts, walang stress.

Pilosopiyang Laban sa Trading

Naka-disable ang trading sa iyong Builder Wallet upang hikayatin ang disiplinadong paghawak ng BTC kaysa sa panandaliang spekulasyon.

Isang Komunidad ng mga Builder

Matuto, umunlad, at likhain ang iyong hinaharap kasama ang libu-libong kapwa estudyanteng Pilipino sa parehong journey.

Mga Madalas Itanong

Mga Pilipinong kolehiyo o bokasyonal na estudyante, edad 18 pataas, na kasalukuyang naka-enroll.

Kailangan mong mag-upload ng valid student ID, certificate of enrollment, o opisyal na dokumento ng paaralan na nagpapakita ng iyong kasalukuyang enrollment status sa isang CHED-recognized na kolehiyo o unibersidad, o TESDA-accredited na vocational o technical school.

Ang maximum match ay ₱100 worth of BTC bawat taon sa loob ng 4 na taon. Maaari kang magdeposito ng higit sa ₱100, ngunit ang unang ₱100 lamang bawat taon ang ima-match.

Ligtas ang iyong pondo sa Coins.ph, isang BSP-regulated platform. Ang programa ay idinisenyo upang gabayan ang iyong pagkatuto at suportahan ang tuloy-tuloy na holding habits. Maaaring magbago ang halaga ng Bitcoin sa paglipas ng panahon, at makatutulong ito upang mas maging pamilyar ka sa kung paano ito kumikilos.

Ang Builder wallet ay idinisenyo upang ituro ang disiplina sa pangmatagalang pagho-hold. Naka-disable ang trading upang maiwasan ang spekulasyon at para makatuto ka nang mas nakatuon sa mga aspektong pang-edukasyon ng programa.

Maaari mong i-withdraw ang iyong orihinal na deposito anumang oras, ngunit naka-lock ang matched rewards para sa buong 4 na taon. Kapag nag-withdraw ka nang mas maaga, mawawala ang matched rewards na ibinigay ng Coins.ph at matatapos ang iyong partisipasyon sa programa.

Kung umalis ka dati sa programa, maaari kang sumali muli, ngunit mare-reset ang iyong progreso. Magsisimula ka ulit sa Year 1 na may bagong deposit at matching cycle.

Oo. Maaaring sumali ang mga existing Coins.ph users, ngunit ang programa ay gumagamit ng hiwalay na Builder Wallet. Kahit na mayroon ka nang Coins.ph account, kailangan pa ring mag-sign up sa programa upang makagawa ng iyong Builder Wallet at magsimulang makatanggap ng matched rewards.

May mga tanong pa ba? Kontakin kami

Buoin Ang Iyong Kinabukasan

Magsimula Ngayon

Sumali sa unang programang pandisiplina sa Bitcoin ng Pilipinas para sa mga estudyante.

Walang kinakailangang credit card • 2 minuto para mag-pre-register