Ang Polkadot ay isang powerful at safe na foundation ng Web3 or ang tinatawag na next generation ng internet. Ito ay parang isang malaking shared foundation na nagko-connect sa iba't ibang apps at blockchains sa buong mundo.
Parang highway system ito ng Web3—isang network kung saan madaling makapagpalitan ng impormasyon ang iba't ibang blockchains.
Ito ay first of its kind dahil sa mga sumusunod:
- Modular: Madaling baguhin at i-organisa ang iba't ibang parte.
- Interoperable: Kayang mag-communicate at mag-exchange ng impormasyon ang iba't ibang blockchain sa ilalim ng Polkadot.
- Governed by Users: Ito ay pinapatakbo ng mga gumagamit nito, at ito ay kinokonsidera na pinakamalaking DAO (Decentralized Autonomous Organization) sa mundo. Ang DAO ay isang decentralized organization at lahat ng desisyon ay pinag uusapan at pinagkakasunduan ng buong komunidad.
Tinutulungan ng Polkadot ang mga nangungunang Web3 innovators (tulad ng Mythical, Frequency, Moonbeam, at Astar) na mag-launch ng mga apps na scalable, may lower cost, at mas mabilis to reach the market).
Mga Mahalagang Impormasyon Tungkol sa Polkadot
Mga Pangunahing Bahagi ng Polkadot
- Relay Chain: Ito ang backbone/main foundation na nagbibigay ng pinagsamang security at interoperability sa lahat ng blockchain na naka konekta dito.
- DAO: Ito ang pinakamalaki at pinaka-aktibong governance model sa mundo, kung saan ang mga gumagamit ang nagdedesisyon para sa network.
Ang goal ng Polkadot ay gawing ligtas, composable, efficient, at accessible ang blockchain, na nagtutulak sa susunod na stage of development ng internet.
Tokenomics
Ang $DOT ay ang sariling token ng Polkadot. Hindi tulad ng Bitcoin, walang nakatakdang maximum supply ang $DOT. Ito ay sumusunod sa inflationary model para mapanatili ang pagiging aktibo ng network at makapagbigay ng reward sa mga nagpapatakbo at nagpapatibay ng network.
Ang History Polkadot
Ang Polkadot ay itinatag nina Dr. Gavin Wood, Robert Habermeier, at Peter Czaban.
- Dr. Gavin Wood: Kilalang tao sa mundo ng crypto. Co-founder ng Ethereum, siya ang lumikha ng programming language na Solidity, at siya ang nagsimula ng Web3 Foundation at Parity Technologies na siyang nagbi-build at nagpa-fund sa Polkadot.
- Web3 Foundation (nakabase sa Switzerland): Nagbabantay sa research and development ng Polkadot.
- Parity Technologies: Humahawak sa technical implementation.
Mahahalagang Kaganapan (Important Events)
- 2016: Inilabas ang White paper tungkol sa Polkadot
- 2020: Official launch ng Polkadot Mainnet
- 2021: Nagsimula ang parachain slot auctions at inilunsad ang Acala.
- 2023–2024: Pormal na announcement ng Polkadot 2.0 at implementation ng coretime leasing
Ano ang Layunin ng Polkadot?
Ang layunin ng Polkadot sa Web3 ay gawin ang ginawa ng Amazon Web Services (AWS) sa Web2—ang magbigay ng vast, stable, at accessible infrastructure.
Ano ang Role ng $DOT Token?
Ang $DOT ay may mahalagang papel sa network
- Governance: Ang mga may-ari ng $DOT ay bumoboto sa mga upgrade at mga proposal para sa pagpopondo.
- Staking: Ginagamit ang $DOT para i-strengthen at maging ligtas ang network. Sa pag-i-stake, kikita ka rin ng rewards.
- Transaction Fees: Ginagamit ang $DOT para bayaran ang mga operasyon sa Relay Chain.
Bakit Naiiba ang Polkadot sa Ibang Web3 Projects?
Ang Polkadot ay designed upang maging mas flexible at mas secure.
- Shared Security: Lahat ng parachains ay nakikinabang sa matibay na seguridad ng Polkadot Relay Chain, kaya hindi na kailangan pang gumastos ng bawat blockchain para sa sarili nitong seguridad.
- Interoperability: May kakayahan itong mag-connect sa ibang blockchain tulad ng Ethereum at Bitcoin.
- More Decentralized: May mataas na Nakamoto Coefficient, isang measurement kung gaano karaming tao ang kailangang magkaisa para ma-stop ang isang blockchain
- Fast Transactions: Kaya nitong makagawa ng mataas na TPS (Transactions Per Second).